Lunes, Hunyo 8, 2015
Do You Feel Stress?
Kung Ikaw ay Nagtatrabaho sa isang Tindahan, o Maliit na Kompanya, Maid or Factory Worker Sa Ibang Bansa sa Loob at Labas man ng Ating Bansa. Kung Nag-iisa ka lang,Siguro Mararanasan mo ng Magsalita Magisa, Malungkot at Mainis. Yung Tipona Hindi ka makakapagexpressng Nararamdaman mo kasi napapalagay mo na wala naman ang Halaga sa Boss mo ang Sasabihin mo, Oo Pwede niyang Pakinggan ngunit saglit lang yun Tapos iisipin yun nang Pang-akit na salita para Hindi mo maisip na Umalis. Ginagawa niya lang yun Para Hindi ka makapag-isip na Umalis. pero sa kabilang Dako, Wala silang Paikialam sa Buhay mo, Meron kahit Papaano syempre, Kasi napapakinabangan ka nila.e, Pero kapag Hindi na sakop ng Trabaho wala na yan. Nakakatakot, at nakakakonsensyang Isipin Pero ito talaga ang Totoo. Nakakalungkot kasi Gusto mo may kausap ka, makakwentuhan ka, May katawanan ka, may mapagsabihan ka ng nararamdaman mo. Napakahirap kasi kapag mag-isa ka lang. ika nga nila Dba; "Kailangan lagi kang Masaya , at Inienjoy mo lahat ng Ginagawa mo para kung Maabot mo man yung Pangarap, or Goal mo Hindi mo mararamdaman na ''BITIN". pero paano ka nga naman mageenjoy e wala kana mang kausap. Alangan naman na kausapin mo yung Pader at Makipagtawan dun para lang Sumaya dba? magkaiba pa rin ang May Kausap, lagi akong Sinasabihan ng Quotes na ito "It is Better to Share and Express What you Feel, It makes You Free and Peace". Mas lalo ka pang maiinggit kapag nakakakita ka ng Magkaibigan ka ng Napakasaya, Talagang Maiinggit ka sa Loob-loob mo. Hay! Gusto ko ng Masayang BUHAY! Hindi Presong Buhay! Kabaligtaran nang Mga Taong Naghahanap ng Trabaho na kahit konti ang Kitain ay Papatusin at Pagtyatyagaan pa rin, Pero, Ikaw na Malaki ang Sinasahod,at May magandang Trabaho pero Hindi pa rin satisfied.(We know that You have your own Opinion about This). Kaya napakaraming OFW "Overseas Filipino Worker" na paguwi sa Pinas ay iba na ang Mindset. Contented na sila na makasama ang Pamilya at Kaibigan at sa sapat na sahod Samantalangm yung nasa Pinas, para lang Magkapera pupunta sa Karatig Bansa para lang Makakuha ng Malaking sahod. Hindi na nila alintana ang mga Bagay na kakaharapin na Lungkot, Hirap, at Pagtitiis na mapag-isa. Walang mapagsalinan ng Bagay na nararamdaman at kakwentuhan. Ganun Talaga ata "Malalaman mo lang ang Halaga ng isang bagay kapag nawala na ito sayo" Nakakalungkot. Nakakainis kasi wala kang Magawa kundi magtiis sa ganitong sitwasyon, Gusto mo ng Umalis kasi Hindi ka masaya, Hindi ka na natututo ng Ibang Leksyon sa Buhay, Hindi na nagdedevelop at Feeling mo Hindi na sapat ang Kinikita kaya Gusto mo nang Maghanap ng Trabaho para suportahan mo ang sarili mong Pangangailangan. Ito an mga Kadalasang Problema ng Isang Empleyado na Hindi makaalis: * Ayaw kang Pahayag ni Boss hanggang Hindi pa siya nakakahanap ng Bago( Yung Iba ayaw lang talaga kasi malaki ang nagagawa mo para sa Kanya) Means mahalaga ka kasi malaki ang Pakinabang niya sayo. * Nahihiya ka Magsabi, dahil Naiisip mo na magagalit siya sayo. * Naiisip mo agad yung kahihinatnan kapag Hindi ka Pumasok. * Kasi nahihiya ka umalis dahil sa Utang Na Loob mo sa Boss mo. * Dahil baka ikaw ang sisisihin niya, kapag Nalugi sa Isang Araw na pagliban mo. * Dahil May Concerned ka kay Boss. Nahihiya ka lang dahil sa Dami niyang Nagawa para sayo. Pero sa Lahat ng man ng Dahilan na Meron pa, isipin mo na lang ito: "Kung ang isang Halaman lamang ay may kakayahan na lumipat sa Isang Lugar na may matabang Lupa, Malinis na Tubig, at Nasisinagan ng Magandang sikat ng Araw Siguro maganda Buhay niya. Eh Hindi ka HALAMAN! kaya alam mo na. May sarili kang Pag-iisip, My sarili kang Pamilyang papakainin, may kamay at paa kang Gumagalaw. Kung may utang na loob ka man, pero sa tingin mo, Hindi na sapat ang kinikita mo, e , Ipasantabi mo na muna yung Utang na Loob, Makipag-usap ka ng mataimtim at Magpaalam. Kung Tanggpin Maigi, Kung Hindi Pasalamatan mo pa rin pero Tandaan mo, Hindi ka magiging Malaya kung lagi kang Nagpapakontrol sa Ibang Tao, You have your Own Will. Do it! Don't Let Other's Opinion Driven Your Life. Don't Let Your Emotion Control of Your Life, Don't Let Anybody Tells you what To Do. Have your Own Personality, Standard. Kapag nakaipon, at Gumanda na ang yong Buhay tska ka na Balikan at Ibalik ang Utang na Loob na iyon. Hindi kasi maaari n isakripisyo mo ang sarili mong Buhay sa kanya Habang Buhay. Hindi ka lang naman isinilang dito sa Mundo para lang maging Alipin, manggawa, o Magtrabaho habang Buhay. Overused yan! Ginawa at Isinilang Tayo para Magenjoy at Magsilbi sa Panginoon. isa lang naman ang Gusto niya e, ang Ituring mo Ang kapwa mo katulad ng Pagmamahal mo sa Diyos. kaya kung Nag-aalinlangan ka pa rin ngayon. Magdasal tayo para sa ikagaganda ng loob mo at ng Buhay ng Amo mo na sana makahanap siya ng Tamang Tauhan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento