Biyernes, Mayo 15, 2015
Lost
Sa Buhay Hindi lagi Perpekto, May Mabuting Tao, May Masama. May tama,
may Mali, May Mayaman, May Mahirap, May Magaling, Hindi Magaling, May
Nagwawagi, at May natatalo.
Ang Katagang Ito ay
Likas na Alam nan g Bawat Nilalang. Ihahambing
natin ito sa Paglalaro ng Basketball. Lahat tayo ay May iniidolong Manlalaro,
at Koponan. Magkakaiba at May dahi dahilan tayo kung bakit Natin sila
Iniidolo. Kapag naglalaban ang Bawat
Koponan, lahat gagawin mo para suportahan itong Mga Ito sa Laro. Minsan Sa
Tindi at Pressure na nagaganap sa Court Tayoy ay Kinakabahan. Inilalabas natin
ito sa Ating kaibigan na sumusoporta din, Sumisigaw para Matanggal ang Kaba sa
Dibdib. Hindi man Tayo ang Naglalaro bagaman iniidolo natin Kinakabahan at May
Hindi Maintindihang Kabog sa Ating Dibdib ang Nararamdaman natin kapag Gitgitan
at Hindi pagkakaintindihan sa Court.
Minsan sa Inis Sa kalaban ng Ating
Hinahanangaan nanggigigiL tayo at Gusto natin
Matalo at Mapahiya yung Taong Kumakalaban ditto. Likas ito sa Atin, Ang Magkaroon ng
panggigigil kapag Hindi Nakakascore ang Ating Iniidolo dahil sa Kaba na
Ginagawa ng Katunggali nito. Kinakabahan tayo dahil Parang Nalulugi yung
Idol natin. Gusto natin May mangyaring Hindi Tama duon sa taong Bumabantay sa
Idolo natin. Sa
Isip isip Gusto Talaga Natin madaig ng Idolo natin ang Bawat manlalaro. Ngunit
Talaga nga Namang May mas Gagaling at Gagaling pa sa Idolo natin, Pilitan man
natinG itanggi pero Ito’t Totoo .Nagkakaroon tayo ng Pagkainsecure at Gusto
talaga nating Mapahiya yung Tao Ngunit dahil sa Galing Nito Wala tayong Magawa
Kundi Tanggapin. Pahiyain at Kung ano ano pang dasal para lang Mapahiya ito,
Dumarating pa sa Punto na “Bino BOOOOOHHH” pa natin ito. Mawalan lang ang Bawat
Tira, at Masupalpal ito. Isa si Calvin Abueva sa Tinutukoy
ko, Nuong Una, Dahil sa Taas ng Kompyansa Nito sa Sarili at Angas Maglaro sa
Court. Naiinis at Gusto ko syang Mapahiya pero Tila ang Taas Talaga ng Fighting
Spirit nito Hindi siya nagpapadaig sa Mga Sinasabi ng Tao sa Kanya. Bagkus
nakatuon siya sa Laro at Pinag iigihan ang Pagbabantay at Pagshoot. Bagaman
Minsan napapahiya at Nadadapa siya Hindi pa rin Talaga Matinag ang Kanyang
Concentration nagpapatuloy Pa rin siya. Ngunit, Ang Lahat ng Bagay nga Naman ay May Hangganan.
Hindi naglaon mga Ilang Buwan nag-init ang Mata ng Tao sa Kanya ngunit ng
Lumaon. Isa isa ng Naunawaan Ng Tao ang
Ugali nito. Napakataas ng Kanyang Pangarap
pagdating sa Paglalaro ng Basketball, Hindi natin ito maipagkakaila, Minsan
mapagtatanto natin sa Kanya na “Ang Pangarap ginagawa, Pinagsusumikapan. At Hindi
lang sinasabi, Bagkus Pure Perseverance na kahit anong Mangyari Ipahiya Kaman, Pagtawanan, at Ibaba. Huwag na
Huwag kang Susuko abutin mo ito ng Buong
Puso”. Bagaman, Bago siya Nuon, Naiirita ang Mga Manonood sa Kanya dahil sa
Ipinapakita niyang Determinasyon at Angas.
Lalo na yung Panahon na Nakaharap niya si James Yap Tila lahat nagalit
matapos nitong Dikdikin si James Yap. Hindi makagalaw at Naiilang dito si James
kaya Hindi gaano makashoot. At Tayo naman naasar at Naasiwa kay Calvin Lahat
gagawin natin mapabagsak at Mawala rin sa Laro. Ngunit Sadya nga Naman na May mas malakas at
mas magaling pa sa Taong Iyong Iniidolo. Dahil Nuon ayaw na ayaw natin Na Bumaba yung Tingin ng Iba sa Idolo natin. Sa
Panahong Iyon, bawat isa sa atin
makikita at Madarama mo na Dito lumalakas ang Pananampalatay ng isang Tao,
Nagdarasal ang Bawat isa na Manalo ang Koponan na Gusto nila. Lumalabas ang Pananampalataya ng Isa Kapag Gitgitan na Ang Labanan at Minsan sa
Una pa nangyayari ito. Kung Ihahalintulad sa Tunay na Buhay, Kung
Madapa ka man ng Ilang Beses sa Iyong Career na Pinili, Nawa’y Huwag kang
Sumuko at Magpadaig sa Mga Taong Nangbababa sayo, Nanlalait, Hindi nagtitiwala,
at Tumatawa. Balang araw mananawa din sila sa Mga Ginagawa nila at Duon sa
Panahon na nagsawa sila, Siguro ayun na yung Panahon na May Nagawa na tayo at
May naipagmalaki sa ating sarili. Kung Nagsawa na sila, Ito na yung Panahon na
naunawaan na nila kung Bakit mas pinili natin ang Desisyon ating Napili. Huwag
sumuko, Bagkus magconcentrate sa Ginagawa mo. Ang Pagkatalo ay isang Hudyat na May Kailangan kapang Baguhin at
Palaguin sa Sarili mo. Kung Hindi natin Mararanasan ang Matalo Hindi tayo
Magpupursige na Palakasin ang Ating sarili. At Hindi tayo Titibay.
T
ularan natin ang Angas ni Calvin Pagdating sa Pag abot ng Pangarap. Palaban sa
Mga Taong Mang-aapi. For Your Feed back: Send It To My Gmail Accout at : Positivekurt31@gmail.com
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento