Mga Pahina

Huwebes, Mayo 14, 2015

Don't Waste Your Energy On The Things That Don't Matter

Napakarami nating Bagay na Napag aaksyahan ng Panahon, Karamihan ditto Ay Hindi naman talaga Dapat Pinag gugugulan ng Panahon.                                                                                                                                    Naranasan mo na bang Makipag Kompetensya sa Mga Taong ng Mangmamaliit sayo?                                                                                                                                                                        Naranasan mo na bang makipagpagandahan ng Damit, Kotse, Bahay at Mga Kagamitan?                             Ikaw ba yung Taong Hindi magpapatalo sa Ibang Tao kapag Ang pinaguusapan ay Mataas na naaabot ?                                                                                                                                                               ikaw ba yung Taong Nagagalit kapag nalalamangan ng Iba sa Isang Bagay na alam mo na Magaling ka rin duon?                                                                                                                                         Ikaw ba yung Tipo ng Tao na Magagalit kapag Hindi mo Nalalamangan yung Iba?                               Ikaw ba yung Naiinggit kapag may nakita kang Mga Tao na May Bagong Gadget?                                            Ilan lamang Ito sa Mga Katangian ng May Pagkainggit na Ugali. Nangyayari sa isang Tao ang Pagkainggit kapag Hindi niya nakukuha ang Mga Bagay na Gusto niyang Makuha, Kahit Hindi naman Talaga Kailangan.                                                                                                                               Bakit ba natin kailangan makipagkompetensya kapag Minamaliit tayo?                                                Kasi nalalaman naman natin ito, Isa sa Pinakamahirap na Sitwasyon ay Yung minamaliit tayo ng Ibang Tao Dba? Yung Pakiramdam mo Sinasawalang Bahala lang nila yung Halaga mo, yung Hindi nila nakikita yung Mga Magagandang Bagay na Ginagawa mo sa Iba, Yung pakiramdam Na magaling kana Pero Minamaliit ka parin Yung Pakiramdam na Hindi nila nakikita yung Kakayahan mo, Yung Iniisip mo na  sa Loob mo na  Hindi mo alam kung Paano ako nagpakahirap, Nagsumikap, At Nag-aral Makuha lamang Itong Bagay na may roon ako ngayon.  Tapos Mamaliitin mo ako.  Namauuwi sa Debate, away, o Hindi pagkakapansinan                                                                                       Minsan Gusto lang Talaga natin maipakita sa Tao na May Halaga tayo at Hindi tayo pwedeng Lait laitin which Is Hindi mawawala sa TAO. Ang  Taong Wala sa Katinuan ay yung Taong Mapanghusga ngunit Puntahan mo ang isang Taong Businessman, Senator, O Presidente, Preacher, o yung Taong Simbahan Hindi ka niyan papansinin sa Gusto mo kasi sila mas Open-minded na sa Ganitong sitwasyon. Nalalaman na nila na Hindi nila Kailangan makipagkompetensya sa Mga Walang Kabuluhang Bagay. Dahil Para ka lang Naghahabol sa Hangin. Na kahit anong pagsusumikap mong Habulin wala ka naming Hinahabol kasi nararamdaman mo lang sila pero Hindi nakakapitan.                                                                                                                                           Nakikiinis mang Isipin talaga nakikipagkompetensya lamang Tayo para sa Ikatataas lang natin. At Para malaman kung sino ang Mas matalino, mas Maganda, Mas Mayaman, o yung May Mataas na naabot.     kungTutuusin Hindi naman Talaga Mahalaga yan e. Hindi naman Tayo Ipinanganak para sa Sarili lang Natin, Hindi lang Tayo ipinanganak para Manilbihan, Magtrabaho, at Makipagkompetensya. Ipinanganak tayo Para Magsilbi sa Panginoon, ano ba yung GUSTO ng Panginoon ito ay pangahalagaan natin ang Ating Kapwa tao, Mahalin sila, at Ingatan ang Kanyang Ari-arian Pero Hindi naman niya ito pinaingatan satin para sa Kanya, Bagkus pinaaalagaan ito sa Atin para ibahagi din ito sa Kanyang anak which is Tayo.   Wala siyang Ginawa kundi para sa Atin. Tayo lang ang May kasalanan nagpapadala tayo sa Tukso.                                                                             Kapag may nakita tayong Magandang Bagay sa Isang Tao na natatakpan ang Sarili nating Intensyon nagtatanim tayo ng Galit. Mali, Dba?                                                                                              Hal. May nakita kang Taong Mas Magaling pa sayo sa Pananalita, at Hindi mo gusto ang Tabas ng Bibig Nito, Nagagalit ka kasi nalalamangan ka, Kung Nung dati ikaw yung pinapalakpakan, Pinupuri, at Napagaalamanang Matalino. Ngayon, Dahil alam ng kasamahan mo na Magaling ka at ayaw mong Magpapababa ng Tingin. Makikipagkompetensya ka sa Kanya, Para lang Malaman niya na Matalino at Magaling ka din. Paano kung Positibo siya, Hindi siya nagpadaig sa Mga Insecurities na lumalabas sa Bibig mo, Dba maiinis ka nanaman, Another Banat na nanaman par amapatunayan mo na Magaling Ka, E paano kung Sabihin niya na Hindi ganuon Ang Ugali niya. Magagalit ka nananaman magtatanim ng Galit sa ISIP MO, mag-iisip ng Kung anu ano dun  sa Tao, At Babawi kaharap ng Maraming Tao para lang talaga mapahiya siya at Magsisi sa Ginawa niya. Kung matatandaan wala naman ginawang Masama yung Tao, ikaw lang Talaga Yung May Problema sa pag-uugali dahil Gusto mo sayo lahat ng Atensyon, Gusto mo ikaw lang Pinupuri, Ikaw lang Magaling, ikaw lang Lahat.                                                                                                                                  Na kung sa Tunay na Buhay Hindi naman Dapat Makipagkomtensya, at Makipagpataasan ng Estado ng narating, o Buhay. Binuhay ka para maglingkod ka sa Panginoon, Nabuhay ka para Mag-enjoy, Nabuhay ka para Magawa mo yung Pangarap at PLANO Sa iyo ng Panginoon. Hindi kana buhay para sa Sarili mo lamang. Huwag kang Maging makasarili, sakim,at Mamuhay sa PAPURI.  Huwag kang  Akala mo ikaw lang ang Bida sa Mundo.                                                                                      Ang Pagkainggit ang Sumisira sa Ating Kapayapaan Dbat nga’t ang pinakatrabaho natin ditto Sa Mundo ay Pangalagaan ang Ating Salvation. Basahin ninyo po sa Bibliya.                                                                                                                             Kapag Tayoy Inggit Nasisira at Nawawala yung Kapayapaan natin Ibig sabihin hindi natin nagawa yung Kaisa isa nating Trabaho.                                                                                                                                                                       Kung Laging Galit ang Nasa Dibdib, wala ng Ibang Laman ang Bibig mo kundi Pagkainggit.                                    Huwag Magpadala sa Emosyon Bagkus pag may nakitang Bago ipagdasal mo ito sa Panginoon At Ito’y Ibibigay niya sa Iyo ng Buong Buo na Hindi ka magkakasala.                                                         Naaalala ko yung Pinsan ko na nasa Ibang Bansa ang Magulang. Pinadalhan siya ng Cellphone at Tablet. Hindi maalis sa dibdib ko yung Pagkainggit e, Pero Pinilit kung Huwag Mainggit Bagkus nagdasal ako at Nagnilay nilay sa Panginoon sinabi ko sa Kanya ang Inggit na Dumadaloy sa Dibdib ko. Biglang Nalang Pumasok sa Isip ko na Huwag kang Mainggit, Malay mo Hiniling na talaga nila iyon Matagal na, At Isipin mo kung ano ang Meron ka na  ibinigay sa iyo ng Panginoon.  Inisip ko nuon na Mayroon akong Laptop, May Internet Connection, May pera ako, May Pagkain akong Makakain, May Matutulugan ako, may Kama ako, May kaibigan ako, May Magulang ako na nagmamahal sa akin. Matapos kung isa isahin sumaya talaga ako at Hindi muli nainggit . Nagpray Din kami nung Pinsan ko. Sinabi ko sa Sarili ko Huwag kang Mainggit” May Bagay kamang na Hiniling Sa Panginoon na Hindi niya Ibinigay, marami kana mang Hindi hiniling sa Panginoon na Binigay niya. “. It Makes Sense Na Sapat na ang Ibinigay niya Huwag ka ng Magambisyon ng IBA. May Plano ang Panginoon na Mas maganda pa sa Plano mo.                                                 Huwag kang Magalinlangan kung ano ang Mayroon Bukas, Dahil ang Panginoon lamang ang Nakakaalam nito. Hindi natin alam kung anong Kasaganahan ang Kanyang Ibibigay pra Bukas. Gawin lamang Natin ang Mga ipinaguutos niya. Magsumikap, Ituon ang oras Sa Kanya, At Makinig sa Mga Instrumento na Ibinigay ninya.

Kung nararansan mo Ito. Isulat ang Iyong Tanong?                                                                                  Please Don't Hesitate To Send It On My Gmail Accout at : Positivekurt31@gmail.com                        Thank You.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento