Dumadating Sa Ating Buhay Yung Pagkakataon na Tinatanong
nating Yung Iba’t Ibang Tao Tungkol sa Bagay na Alam naman natin Yung Sagot,
Tinatanong at Humihingi lang Tayo ng Payo Para Malaman natin kung May Susuporta
ba sa Ating nagging Karanasan o Pagkakamali. Minsan, Alam naman Nating Yung
Sagot Pero Tila Talagang Nagtatanong Lang Tayo para suportahan ng Iba. Hapon iyon, Kagigising Ko lang,
Binuksan ko agad ang Laptop ko para magbasa, Maya maya Sumasakit na ulo ko
dahil na rin sa Init, na nauwi sa Pagkayamot dahil Pakiramdam ko wala akong
Halaga. Hindi pa ako nakakapagsulat noong Hapon iyon dahil nalilito ako kung
Paano ko sisimulan. Araw-araw ko naman itong Ginagawa pero Tila nawawala ako sa Ginagawa ko.
Hanggang sa Dumating sa Punto na Nagtanong na ako sa Mga kaibgan ko Sa
pamamagitan ng Phone, Tinanong ko kung paano ako makikipagkilala, o
makikipag-usaP sa Ibang Tao. Sa Loob loob ko alam ko naman yung Sagot pero
bakit tila nagtanong pa ako. Lumips ang Oras nagdatingan ang mga Sagot nila,
Duon tinanong din nila akong Kung Bakit ako nagtatanong Na ikinagulat nila.
Hindi ko na pinansin iyon Bagkus Pinagtuunan ko ng Pansin yung mga Sinagot
nila. Duon sa Sagot nila naliwanagan na ako lalo. Agad akong Tumawag sa
Panginoon Doon , Inisip ko at Dinama ko ang Presenya ng Panginoon, Na Nagbigay
sa Akin ng Kapayapaan sa Puso at Isip. Lumabas
ako ng Bahay para tignan ang Magandang Panahon at Magandang Tanawin. Nang May
Oras Pa, Tinanong ko muli ang Sarili ko, Bakit nga Ba ako Nahihirapan? Bigla na
lang sumambit sa Bibig ko ang Salitang “Dahil Hindi ka Humihingi ng Guidelines
at Payo sa Panginoon, Hindi mo ibinibigay ang Plano mo para sa Araw na ito,
Dahil Hindi ka Naghahanda, Dahil Hindi mo sinusunod ang Kanyang Payo, at Hindi
ka Totoo kung Magbigay ng Damdamin mo sa Kanya”. Tama naman Talaga, Dahil Paminsan minsan,
Hindi Panginoon ang tinatawag ko, Minsan PENGI NUON. Napakamakasariling
Intensyon Gusto ko lang MAGKAROON NITO, kumita nito, Pasikatin ako, at Para
lang sa Ikagaganda ng Buhay ko yung Ginagawa ko. Sa Pangyayaring ito, Nasambit ko Hinding
Hindi ako mabubuhay ng Maayos Kung wala ang Panginoon. Nababagabag ako kapag
Ramdam ko Hindi ako nakakapagdasal, Nahihilo ako kapag Hindi ako naibibigay ang
Nararamdaman ko sa Kanya. Nahihirapan
akong Resolbahin ang Problema kapag wala
siya, Nahihirapan akong Makipag-usap sa Tao kapag Hindi pa ako nakakapagbasa ng
Bibliya.
Ganito
pala iyon: Kapag Pinapasok mo na siya sa Puso mo, Napakahirap na Siyang
Kalimutan sa Oras oras, at Napakahirap kapag Hindi ka nagbibigay ng Plano at
nararamdaman mo sa Kanya. Kalimutan, o makaligdaan mo siya sa Araw gagawa siya
ng Gagawa ng Paraan para Maalala mo siya. Ang Pagmamahal niya ay Walang
Katumbas. Kapag nakipagniig ka na sa Panginoong Hesu Kristo, ang Panginoong
ang Magbibigay sa iyo ng Kapayapaan at Katatagan sa Buhay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sapagkat ng Nababagabag, Nahihirapan, at
Nalilito ako. Nagbibigay siya agad ng Sagot sa Problemang Kinahaharap mo.
“If You are
Struggling With Problem and You Think You Can’t Do it. Think Twice Cause God
Won’t Give a Problem that You Can’t Handle. A Father will never Forsake His Own
child and Whatever the Trials are, Just be still, Rely on His Words.” God Immediately Answer
Your Problem just Tell it to Him.
Philippians
4:13
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento