Martes, Mayo 12, 2015
Ang Pagbibigay ay Bumabalik ng Liglig, Siksik, At Umaapaw
Tayo'y Tumulong Ng Walang Hinihihingi, Walang kapalit, at Bukal sa Puso Tanghaling Tapat, Akoy abalang abala sa Pagsusulat Noon, Nang Bigla akong Tinawag Ni Vince. Niyayaya niya ako sa Labas Dahil daw Tuturuan ako Ni Kuya Nicko. sa Akin sa Loob loob Tuwang Tuwa ako nuon, Lumabas kami Ni Vince na Masayang Masaya. Naglolokohan, at Patawa ng Patawa. Para sa Akin Isa itong Pribilehiyo na Makatulong at Magkaroon ng Pagkakaabalahan. Bukod sa Pagsusulat, Ang Pagbabasa lang ang aking Pinagkakaabalahan. Nang Nalaman ko na iyon ay Gagawin Tuwang Tuwa ako. Gustong Gusto ng Katawan ko na May Ginagawa. Sa Pagpunta roon, Iba't Ibang Patawa agad ang Bumungad sa Amin. Si Kuya Nicko yung Taong Matalino, Magaling sa Pakikipagcommunicate sa Iba't Ibang Tao sa Ibang Bansa, Pero Palatawa at Makulit. Kami dahil Tawang Tawa na Kami, Hindi namin Mapigilan na Tumawa Pero, Hindi Pa rin siya Tumigil Kakapatawa kaya Habang nasa Trycicle Kami nun. At Habang nagtatrabaho kami Hindi na kami makapagFocused sa Ginagawa. Sa Sobrang Bigat Nung Kabinet nila At Napakalalakas Namin., Pinagplanuhan namin kalasin nalang Iyon Para Mabuhat iyon. Habang Kinakalas iyon, Inutusan ni Kuya Nicko si MVP na Kumuha pa ng Isang Screw Driver, At Kumuha na rin ng Sprite. Nagkaroon kami ng Usapan ni Kuya Nicko, HInuluaan niya ito na Pagkabalik na Pagkabalik ni IDOL A.K.A MVP E Dadalhin lang Nito ay Sprite. Ako naman "SGE " lang. Lumipas ang Saglit Dumating Si IDOL, Dala dala ang Sprite. Sabay sabi Ni kuya Nicko"Sabi sayo Kurt e! Kapag Inutusan Mo yan si IDOL tandaan Mo, Yung Pinakaimportanteng Inutos mo dyan ang Hindi Susundin niyan." Tumpak na Tumpak si Kuya Nicko. Pagdating Ni IDOL, Naghalakhakan kami Ni Kuya Nicko Dahil Hindi nga Dala Ni IDOL Yung Screw na Ayun yung Pinakaimportante sa Lahat. Wala akong Intention sa Pagpapahiya sa Kanya, Kundi para lang Sa Katuwaan lang, AT Kasiyahan. Sa Pagbaba nito, Tawanan, Halakhakan, at Kulitan ang Nangyare. Habang Binubuo Yung Kabinet, Panay Kapalpakan, at Katatawanan ang Nangyari. Mahirap man, bagkus kami'y Nagtutulungan Worth It, AT hindi namin napapansin ang Pagod. Dahil sa Katuwaan . "Tunay na Kapag Tayo'y Nagtutulungan at Nagkakasiyahan sa Bawat Sitwasyon. Mahirap man, O Madali nagiging Matiwasay at Hindi nakakapagod ang mga Gawain." Para sa akin Ito ang Essence ng Pagtutulungan. Padilim na ang araw na yon, Hindi pa rin Kami natatapos Ngunit Masiya at Nagkakatuwaan pa rin Kami. Tila Hindi Kami napapagod, kahit Pawis na Pawis na Kami. ang Pagtulong Dapat Nasa Puso at Walang Hinihintay dahil Ika Nga Kapag nasa Puso Ang Iyong Pagtulong at Wala kang Hinihintay Parang Tulong Mo na Ito sa Panginoon. Natutuwa at Galak na Galak ang Panginoon kapag nakakakita siya ng Anak niya na nagkakawang Gawa para sa Kanya at Para sa Iba niyang Anak. Hindi man Pagdarasal ang Ginawa Namin, Pero Pagtulong gamit ang Aming kakayanan para sa Iba ay Parang Pagpapakahirap para sa Diyos. Makita lamang ng Panginoon ang Ganuong Ugali Hinding Hindi ka makakatakas sa Kanyang Pagpapala. Nuong Una, Wala talaga akong Hinihiling na kahit anong Kapalit, at Kahit Pagkain Man lang. Pero Lumabas sa Bibig ni Kuya Nicko na Ililibre niya Kami. Ako Nahihiya Pero Bakit mo nga Naman Tatanggihan Blessings nga Dba. Nagtatanto ko na, Kahit alam mong wala kang inaasahan na O Makukuha basta Tinulungan mo ng Buo ng Galing sa Puso mo. Bibigyan at Bibigyan ka pa rin Ng Ama sa Langit. Malamang sa Iba sa sasabihin: Nagaksaya ka lang ng Panahon sa Pagtulong ng Walang Kapalit! Para sa akin, Kung Titignan ko. Ano ba ang Natanggap ko sa Pagtulong Na Iyon. ~kasiyahan- Walang Nasayang Na Oras Na Hindi kami Masaya i. Naging Masaya ka ba sa Bahay ng Nakahiga lang? ~Kagalakan Sa Sobrang Tuwa ko, Ang sarp sa Pakiramdam e. ~Kapayapaan dahil alam mong Tumulong ka sa Iba " Aminin man natin ang Makatulong sa Iba kahit sa Maliit na Bagay ay nakakapagdulot ng Hindi maipaliwanag na kasiyahan sa Ating Puso". ~Bonding- Trust. ~Karunungan- Kapag Kasama mo ang Pamilya Ni Kuya Nicko, Mabubusog ka ng Karunungan dahil sa Mga Bagay na sinasabi nila sa Bawat Bigkas Ng Kanilang Bibig May Malalaman at Marerealise ka sa bagay sa Buhay mo e. ~Satisfication- Dahil Wala akong ginagawa, Yung katawan ko nagkaroon ng Magagawa. at Lubos na Iyon Nakakatuwa para sa Akin, Kaysa Tumambay ako sa Labasan na Wala naman mapapala Edi Tumulong na lang Ako AT May mapapala ko, Satisfaction, Kapag Wala kang Nagawang Tama sa Isang Araw, Pakiramdam mo wala kang Kwenta, Pero kapag may nagawa kang Bagay para sa Ibang Tao lubos itong Nakakatuwa at Nakakagalak sa Puso Na Hindi mo maiintindihan Basta Masaya at Satisfied ka. ~Pagkain- Nakakatuwang Isipin na Kahit Hindi mo inaasahan pero Dumadating Talaga. Nagpalakas ito samin. at Marami pang Iba. So, Mayroon bang Nasayang. wala, Dahil Nagenjoy at Sobrang saya ng Araw na iyon. Malamang Sa Malamang Sasabihin Ninyo: ang Cheap! at Pero Para sa akin Napakasarap po sa Pakiramdam. ika nga " Ang Sinuman sa Inyo ang Marunong Makakita ng Kagandahan ng Isang Pangyayari ay Magkakamit pa ng Marami,Ngunit ang siyang Hindi marunong Makuntento kung ano man ang Mayroon siya ay siyang Hindi pagpapalain." Ang Pagkakaroon ng Positibong Pagtingin sa Isang Bagay o Pangyayari ay Siyang Mas nakakatanggap ng Isang Aral at Nagkakaroon ng Payapang Pag-iisip. At Siyang Laging nakakakita ng Magandang Opportunidad na Baguhin ang Kanyang sarili at Pag ibayuhin pa ito. Ngunit ang Siyang Hindi nakakakita ng Kagandahan sa Sitwasyon at Bagay ang Siyang Hindi nagkakaroon ng isang Magandang Pamumuhay, Bagkus naninirahan sa Inggit, Pagkasuklam, Galit, at Paghihirap. Ako payapa na ako sa Pagkakaroon ng Anuman ang Mayroon ako, Bagaman Minsan natutukso pa rin ako, Pinipigilan ko at Bagkus Dinadalangin ko na lang ito. Kung May Gusto man akong Makuha, Pagsusumikapan kong Pagtrabahuhan at Pag-ipunan yon at Higit sa Lahat Pagdarasal ko ito. Ayaw na Ayaw kong Hihingi nalang at Hayaan Dumating Ng Kusa sa Akin. Paano kung Hindi Dumating, Masakit at Madidismaya ka Dba? Pero kapag pinagsumikapan mo at Pinaghirapan Napakasarap sa Pakiramdam. Makikita Mo yung Resulta ng Pinaghirapan mo. Nagpapasalamat ako sa Lahat ng Iyon. sabi nga Ni Kuya Nicko "Pag-aralan mong Maging Palasumikap para sa Sarili mo, Dahil Hindi naman Bibilihin ng Kaibigan mo yung GUSTO MO sa Buhay e, Hindi naman Nila Bibilhin yung Kotse na Gusto mo, Hindi naman Mabibili ng Kaibigan mo yung Pangarap mo , Hindi naman Nila Pag-aaralin yung Magiging Anak mo balang araw , Hindi kanaman nila Laging Ililibre sa Bansang Gusto mong Puntahan. Kaya, Kung Gusto mong MAKUHA yung Gusto mo Pagsumikapan mo para sa Sarili mo, Ikaw lang ang Gagawa ng Sarili mong Buhay, Wala ng Iba, Ikaw Lang!" Ang Pagbibigay ng anumang Bagay, o Pera ay Bumabalik ng Liglig, siksik at Umaapaw.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento